• CRS ONLINE

ANG KONEKSYON NG CPP-NPA-NDF SA LEGAL FRONT ORGANIZATION AT TAKTIKA NG PAGMAMANIPULA













Tinalakay sa edisyon ng Usapang Pangkapayapaan, Usapang Pangkaunlaran ang koneksyon ng CPP-NPA-NDF sa legal front organization at mga taktika ng kanilang manipulasyon sa mga NGOs, POs at iba pang organisasyon kasama si MGEN ERNESTO TORRES JR AFP, Commander, AFP Civil Relations Service bilang panauhin sa nasabing programa.


Ipinaliwanag ni MGEN TORRES ang koneksyon ng ibang personalidad sa legal communist terrorist group at ang pagkakadugtong ng underground mass organization sa armadong grupo.


Ibinahagi pa niya, na hindi lamang sibilyan na sektor ang napapasok ng mga CPP-NPA-NDF maging ang sektor ng gobyerno kabilang dito ang Confederation for Unity Recognition and Advancement of Government Employees o COURAGE na isang hayag at legal front organization.


Aniya pa, ang ilang mga empleyado na kasapi rito ay may koneksyon sa mga mahahalagang impormasyon. Nabanggit din niya na hindi makukulong ng basta-basta ang mga lider na ito sapagkat sila ay kabilang sa legal na organisasyon gaya ng COURAGE at sila rin ay kabilang sa Mga Kawaning Pilipino o MKP na nagkokonekta sa underground mass organization.


Idinagdag pa ni MGEN TORRES na kailangan malaman at maintindihan ng mga tao ang pagkakaiba ng legal front organization at underground mass organization kung saan makita kung sino ang tunay na kalaban sa partido dahil ang ibang kasapi nito ay baguhan at napikot lamang na maging partisipante sa grupo.


Ayon pa rin sa kanya, ang Human Security Act 2007 at Anti-Terrorism Law 2020 ay may pagkakaiba sa mga probisyon at bahagi ng Anti-Terrorism Law ang pagbibigay sa kapangyarihan ng mga otoridad na manghuli sa mga pinaghihinalaang terorista maging ito man ay may kinalaman sa pagpaplano, pagrerecruit at financing.


Aniya pa ang pag-aresto sa mga pinaghihinalaang terorista ay maaari nilang ikulong ng mula labing-apat na araw hanggang tatlumpung araw upang makalikom sila ng sapat na ebidensya laban sa kanila.


Sa kabilang banda ay nagbigay ng katanungan si Sgt Velma Lyn Charlon PAF (Reservist) kung paano maiiwasan ang recruitment na agad naman binigyan ng positibong sagot ni MGEN TORRES.


Sa kanyang naging kasagutan, sinabi niya na ang bawat isa ay may kakayahang pumili na tulungan ang gobyerno sa pamamagitan ng pagkilala sa mga Communist Terrorist Group at CPP-NPA-NDF.


Sa ganoong paraan ay mayroon ang bawat isa na maiwasan at matigil sa pagsapi sa recruitment ng CPP-NPA-NDF sa pamamagitan ng hayag at legal na organisasyon dahil ang malaking bahagi ng kanilang recruitment ay ang kabataang sektor.


Aniya pa, sa pamamagitan ng mga malalaking organisasyon gaya ng National Youth Commission, Youth for Peace Development Movement, Student Council Association of the Philippines, KKDAT at Sangguniang Kabataan ay mapagtutulungan na mahikayat ang kabataan na makaiwas sa mapanlinlang na manipulasyon ng CPP-NPA-NDF.


Ang UP-UP Pilipinas ay programa sa radyo at sa social media na kontribusyon ng PAF sa mga adhikain ng NTF-ELCAC. Ang naturang programa ay ineere araw-araw tuwing ika-3 ng hapon sa DWGV 792khz sa Gitnang Luzon, DWDD 1134khz sa Kalakhang Maynila at iba pang mga istasyon ng radyo sa buong Pilipinas. Ito rin ay ina-upload sa mga social media account ng UP-UP Pilipinas, PCOO, NTF-ELCAC at sa PAF Virtual TV.


AW2C Eleonor Bacanto PAF


#AFPYouCanTrust

#SupportELCAC

#WholeOfNationApproach

#PeaceNotHatred

#PeaceNotViolence


For more videos, please visit UP-UP Pilipinas Facebook Page

Marble Surface

Civil Relations Service, AFP

  • Facebook
  • Twitter
  • Instagram
  • YouTube

WWW.AFPCRS.COM

© 2017 Civil Relations Service AFP.

All Rights Reserved. Designed by IDG, CRSAFP | CreaXin

Give us your Feedback
Contact Us

#AFPyoucanTRUST

  • Instagram
  • YouTube