6th Civil Relations Group
KAPATIRAN NG MGA DATING REBELDE, INILUNSAD SA PALAWAN

Matagumpay na nailunsad ang Kapatiran ng mga Dating Rebelde o KADRE sa Palawan sa pamamagitan ng isang programa na ginanap sa Hotel Centro sa lungsod ng Prinsesa, Palawan noong ika-18 ng Enero 2021.
Ang seremonya ay dinaluhan ng mga kawani ng Palawan Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict at ng 38 na mga indibidwal na kinabibilangan ng mga Former Rebels na nagbalik-loob sa pamahalaan at mga dating myembro ng Militia ng Bayan o mga dating tagasuporta ng NPA sa mga komunidad.
Layunin ng organisasyon na matulungan ang mga Former Rebels sa pagbabagong-buhay kasama ang kani-kanilang mga pamilya at magkaron ng epektibong ugnayan upang mapunan ang kakulangan at maibigay ang angkop na tulong ng gobyerno.
“Ang amin pong slogan sa KADRE ay pagtutulungan sa pamamagitan ng maigting na pagkakapatiran.
Layunin ng KADRE na alisin ang batayan upang hindi na muling bumalik ang mga Former Rebels sa armadong pakikibaka at mahikayat pa ang ibang mga dating kasama na aktibo pa sa armadong pakikibaka na bumaba na, dahil may isang organisasyon na nakahandang tumangkilik at umalalay sa kanila.” pahayag ni Mr. Jerwin Castigador, ang nahalal na Pangulo ng KADRE-Palawan.
Samantala, buong suporta naman ang ipinarating ng mga kinatawan ng Palawan PTF ELCAC at ng pamahalaang panlalawigan sa bagong organisasyon. Ayon kay Ms. Abigail Ablaña ng Provincial Social Welfare and Development Office, isang pagpapatotoo ang naturang organisasyon na maganda at epketibo ang programa ng gobyerno para sa mga FRs. Aniya, nagbubunga na ang adhikain ng pamahalaang panlalawigan ng Palawan para sa mga nalilihis ng landas upang magbalik-loob sa pamahalaan.
Simula noong taong 2013 hanggang sa kasalukuyan, nasa 170 na Former Rebels na nagbalik-loob sa pamahalaan ang nakatanggap ng tulong sa pamamagitan ng Local Social Integration Program ng pamahalaaang Panlalawigan ng Palawan at ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program ng DILG sa pakikipagtulungan ng kasundaluhan at kapulisan.
Isang hamon naman ang ipinabatid ni Atty. Teodoro Jose S. Matta ng Palawan PTF ELCAC sa mga miyembro ng KADRE, aniya, kung dati ay gusto ninyong makamit ang hustisya, kapayapaan, at pagababago sa pamamaraan ng armadong pakikibaka, ngayon, hinahamon namin kayo na hindi lamang sa gobyerno, hindi lamang sa kapayaan pero para sa pamilya ninyo, kayo po msimo, tugunan natin ang pangangailangan ng ating gobyerno, ng ating lipunan sa mapayapang paraan.
Sa naganap na programa, isang mensahe ng pagsuporta ang ipinahayag ng Department of Interior and Local Government-Palawan.
“Madiin at tahasan ko pong inihahahayag ang aming suporta sa pagkakatalaga sa mga miyembro ng Kapatiran ng mga Dating Rebelde sa Palawan. Muli po ay umaasa ang DILG na ang KADRE-Palawan ay magiging katuwang ng pamahalaan sa paglutas sa suliraning pang-terorismo at insurhensiya upang makamtan na natin ang kapayapaan at kaunlaran para sa lahat.” ayon kay Director Virgilio Tagle.