CRS ONLINE
Sigaw ng Kabataan sa Palawan (A special report of 6CRG)
"Hindi kami pananakaw at pabubulag sa mapanlinlang na mga organisasyong ginagamit ng mga NPA!" ito ang sigaw ng mga kabataan Palaweno sa pakikipaglaban sa terroristang grupong New Peoples Army (NPA) na idinaan sa isang konsyerto na inorganisa ng Palawan Sound Youth Organization bilang suporta sa mga magulang na ninakawan ng mga anak sa Pilipinas.
Isinagawa ang konsyerto nitong nakalipas na October 31, 2020 sa pamamagitan ng FB concert, ilan lamang sa nakiisa at tumugtog ang grupo ng Highnote, Collabwe, Mercenario, Faded, Crown, Aloe vera, Grandeza, at Fifty Shades of Greyham and Limerence, bilang suporta sa mga magulang na bumuo ng Hands Off Our Children Movement sa buong bansa.
Inihayag ng mga kabataan sa pamamagitan ng mga awitin ang patuloy ang ginagawang recruitment o pananamantala ng mga teroristang NPA sa kabila ng kinakaharap ng buong mundo na Covid-19 pandemic, subalit hinding-hindi nila pananakaw sa NPA ang kanilaang murang kaisipan at kalayaan
Ayon kay Sangguniang Kabataan Federation President Myka Mabelle Magbanua "Ako bilang lider kabataan ay nanawagan sa mga magulang na ilayo natin ang ating kabataan sa ganun klasing gawain, gagawin ko ang lahat sa kapwa ko kabataan na hindi mabaon ang kanilang paa sa hukay, upang tiyak na magtatagumpay sa kalaban o NPA.".
Inihayag naman ng mga magulang na sina Mary Frances Theresa Meriveles, Melissa Lucena, Luisa Espina, Annabelle Sabado, na pawang mga miyembro ng Hands Off Our Movement ang kanilang suporta at paghanga sa mga kabataan sa Palawan na mulat sa kamalayan at hinding-hindi na mabubulag ng mga bulaang organisasyon na huwad o ginagamit ng NPA para sa pag rercuit sa kabataan.
Hindi naman naitago ni ginang Annabelle Sabado ang kanyang paghanga at bahagyang inggit sa kabataang Palaweno na silang nanghihikayat sa mga kapwa kabataan na huwag padadaig sa mapanlinlang na mga organisasayon. "Halong imosyon, naiingit at masaya na nandyan ang ibang kabataan nalilinang ang mga talento at maganda ang future nyo, kami hanggang ngayon naghahanap ng anak na binulag ng CPP-NDF, kaya nakikiusap kami sa inyo na akayin nyo ang mga kabataan na nakikita nyo na naliligaw".
Sinabi naman ni ginang Luisa Espina na "Masaya kami na naisip ng kabataan ito, naiinggit kaming mga magulang na sana ay ganito din sana ang ginagawa ng mga anak namin, lalo na alam ko na mahilig sa rakrakan ang anak ko, ngunit may nanlilinlang sa kanilang mga huwad na organisasyon na dapat iwasan ng mga kabataan katulad nyo, alam ko sa inyong grupo ay di na kayo mahikayat pa ng mga mapanlinlang na grupo na yan dahil mulat na kayo sa katotohanan at sana wag na kayong sumama pa sa mga mapanlinlang na organisasyon na nagbabalat kayo sa makabayang gawain pero dadalhin ang mga kabataan sa armadong pakikibaka, sana ikalat nyo ang inyong talento at kaalaman para walang ng kabataan na wala ng kabataan na masasam sa mali."
Muli ring paalaala ni ginang Espina na" Patuloy kaming (mga magulang) na nadudurog sa pagkawala ng aming mga anak katulad nyo na ang ganitong mga organisayon ay sisira sa inyong kinabukasan at sa pamilyang pilipino, ang GABRIELA , ANAKBAYAN at KABATAAN PARTYLIST, LFS at marami pang iba yan yan ang sisira sa kinabukasan ng kabtaaan, hindi kami naninira, yan ay base sa katotohanan base sa aming karanasan na mga nabiktima, ako 2 years ng nawawala ang anak ko na no-prof of life na naging NPA na.".