Mga Mataas na Kalibre ng Armas Narekober ng 9ID

December 8, 2017

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Pitong matataas na kalibre ng baril ang narekober ng 9th Infantry (Spear) Division sa dalawang magkahiwalay na operasyon nito laban sa New Peoples’ Army sa Rehiyon ng Bicol, Disyembre 8.

Ayon sa ulat, nakasagupa ng pinagsamang pwersa ng 2nd Infantry Battalion at 22nd Infantry Battalion ang pitong miyembro ng NPA sa Purok 7, Brgy. Banase, Baleno, Masbate kaninang alas 5:35 ng umaga.

 

Matapos ang dalawang minutong palitan ng putok ay agad na tumakas ang mga NPA at naiwan sa pinangyarihan ang dalawang M16 rifles, isang Rifle Grenade, isang long magazine para sa M16 rifle na may 10 bala at mga subersibong dokumento.

Walang namang naiulat na sugatan sa panig ng pamahalaan habang inaalam pa sa kasalukuyan kung may may mga namatay o sugatan sa panig ng mga NPA. Patuloy pa rin ang isinasagawang pursuit operation ng mga kasundaluhan sa nasabing lugar.

 

Samantala, nadiskubre ng mga sundalo ng 9th Infantry Battalion kaninang ala 1:00 ng madaling araw ang isang imbakan ng mga armas sa Brgy. Magsaysay, Capalonga, Camarines Norte. Ang nasabing arm cache ay naglalaman ng dalawang M16 rifles, isang M14 rifle, isang shotgun at isang Carbine rifle. Kasama din sa mga nakumpiska ay ang isang icom radio, dalawang IED detonator, mahigit kumulang sa 500 bala para sa ibat-ibang uri ng baril at mga subersibong dokumento.

 

Nagsasagawa ng security operations sa lugar ang tropa ng pamahalaan ng madiskubre nila sa tulong na rin ng impormasyon mula sa mga lokal na residente sa lugar ang nasambit na mga armas na pinaghihinalaang pag-aari ng mga NPA.

 

Ang magkasunod na tagumpay na ito ay bunsod na rin ng mas pinaigting na kampanya ng 9ID laban sa mga rebelde bilang pagtugon sa atas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tuluyan nang supilin at wakasan ang pananakot ng teroristang NPA sa mga mamamayan. Siniguro ng pamunuan ng 9ID na magpapatuloy ito sa pagsasagawa ng mga hakbang upang matugunan ang banta sa kaligtasan ng mamamayan.

 

Muli ring nanawagan ang 9ID sa pamumuno ni Brig. Gen. Danilo Chad D. Isleta AFP, Acting Division Commander sa mga kasapi ng teroristang NPA na nagnanais nang sumuko sa pamahalaan na bukas pa rin ang pinto nito upang sila’y magabayan sa kanilang pagbabalik sa mapayapang pamumuhay. Dagdag pa dito, sinabi rin ng 9ID na tuloy pa rin ang mga programa ng pamahalaan tulad sa Comprehensive Local Integration Program para sa mga magbabalik loob.

Please reload

Featured Posts

Nineteen CNT members on their 50th Anniversary surrendered

December 27, 2018

1/9
Please reload

Recent Posts
Please reload

Archive
Please reload

4.0 150 Recommend it
  • White Facebook Icon
  • White Twitter Icon
  • White Google+ Icon
  • White YouTube Icon
  • White Instagram Icon

© 2017 Civil Relations Service AFP. All Rights Reserved. Designed by CreaXin