7 miyembro ng NPA at 35 na Milisyang Bayan, sumuko

 

Pitong myembro ng New People’s Army (NPA) at 35 na myembro ng Sangay sa Partido sa Lokalidad (SPL)/Malisyang Bayan (MB) sa Brgy Victory, Balud, Mabaste mula sa L1, K4, BRPC kusang loob na sumuko sa pinagsamang pwersa ng 2IB, Alpha 22IB (CAFGU), Masbate PPO, Aroroy, MPS at Balud, MPS ngayong ika-21 ng Enero 2018 sa Headquaters ng 2IB, 9ID, PA, Sitio Baclay, Brgy Bacolod, Milagros, Masbate.

 

Ang mga naturang rebelde ay isinurender ang mga sumusunod na kalibre ng baril,dalawang (2) M16 rifles, isang (1) caliber .30 Garand rifle, isang (1) caliber .45pistol, tatlong (3) .38 revolvers, isang (1) Improvise Explosive Device (IED) atanim (6) na assorted Low Powered Firearms mula sa 35 na myembro ng Sangay sa Partido sa Lokalidad (SPL)/Malisyang Bayan (MB).

 

Ang pitong NPA ay mga kasama sa listahan ng mga rebeldeng kumikilos sa probinsya ng Masbate naitalang yunit na ito at ng PNP Masbate base na rin sa mga dokumentong nakalap samga nakaraang engkwentro at testimonya ng mga nauna ng nagbalik loob nilang kasamahan sa ating pamahalaan. Ang 35 na Sangay sa Partido sa Lokalidad(SPL)/Malisyang Bayan (MB) naman ay kumikilos sa Brgy Victory, Balud, Masbate. Ayon sa mga sumukong rebelde sila ay pagod na sa kakatago at pakikipaghabulan sa ating mga alagad ng batas at sila ay namulat na sa maling gawain ng “Kilusan”.

 

Katulad din ng ibang sumuko na ayon sa kanila ang koleksyon na puwersahang kinukuha sa mga mamamayan ay pinakikinabanganlamang ng kanilang kumander at liderato at walang nakakarating na suporta samga mababang myembro. Ayon sa kanila, mabuti pa ang kabit ng kumander nilang si Ruel Ibañez ay napagawan ng maayos at magandang bahay samantalang sila ay gutom pati ang kanilang pamilya. Maling ideolohiya o tanging panlilinlang lamang ang sinasabi at itinuturo sa kanila ng grupong ito.

 

Dahil sa pagsama-sama at pagtulong-tulong ng ating lokal na pamahalaan ng Masbate, mga religious sectors, ang ating kapulisan, ibat-ibang ahensya nggobyerno, pribadong sector man at ang ating mga kasundaluhan ay nagkaisa upang makamit ang kapayapaan at mapaabot natin sa ating mga kapatid nanaliligaw ng landas na gustong magbagong buhay na may magandang buhay namaibibigay at programa ang gobyerno para sa kanila..Nang malaman nilang may magandang programa ang pamahalaan ay kusang loob silang lumapit sa ating kasundaluhan upang magbalikloob at makakuha ng benipisyo sa programang pangkabuhayan na isinusulong lalo na ang Comprehensive Local Integration Program o (CLIP).

 

Nakikipag-ugnayan na ang 903rd Infantry Brigade sa local na pamahalan ngMasbate upang mapasama ang mga rebelde sa programang ComprehensiveLocal Integration Program (CLIP). Nananawagan si COL GREG T ALMEROL Commander ng 9O3rd Infantry Brigade sa iba pang kasapi ng NPA na magbalik-loob na rin sa pamahalaan at yakapin ang programang pangkapayapaan na isinusulong para sa rebeldeng grupo. Noong nakaraang taon 2017, ilang dating rebelde ang nabigyan ng tulong pinansiyal at mga programang pangkabuhayan mula sa lokal na pamahalaan na magagamit nila sa kanilang pagbabagong buhay.

Please reload

Featured Posts

Nineteen CNT members on their 50th Anniversary surrendered

December 27, 2018

1/9
Please reload

Recent Posts
Please reload

Archive
Please reload

4.0 150 Recommend it
  • White Facebook Icon
  • White Twitter Icon
  • White Google+ Icon
  • White YouTube Icon
  • White Instagram Icon

© 2017 Civil Relations Service AFP. All Rights Reserved. Designed by CreaXin