Mga Menor de-edad na kabataan na biktima ng Teroristang NPA nagbalik-loob sa pamahalaan

July 9, 2018

 

24IB LAGANGILANG, ABRA- Ang pangloloko ng mga teroristang grupo ay kinokondina ng 24IB. Labag sa karapatang pantao ang ginagawang panghihikayat ng mga teroristang NPA sa mga kabataan lalong lalo na sa mga menor de edad.

 

Noong ika-lima ng Hulyo taong kasalukuyan, limang miyembro ng KLG North Abra ang boluntaryong sumuko sa tropa ng Charlie Company, 24IB at Licuan-baay MPS sa So Baquero, Brgy Nalbuan, Licuan-baay, Abra.

 

Ayon sa inisyal na panayam, ang limang personalidad na pawang mga kabataan at ang dalawa ay menor de edad ay tumakas sa kanilang pinag kampohan sa bayan ng Sallapadan, Abra sa kadahilanang hirap at pagod ang kanilang naranasan sa loob ng teroristang hukbo. Ang mga nasabing personalidad ay kapwa nanggaling sa Mindanao at ayon pa sa kanila, sampung buwan ang nakalipas meron umanong taong nangako sa kanila na magtrabaho sa Maynila. Dahil sa kahirapan sila ay sumama at umaasang magkaroon ng trabaho upang makatulong sa kanilang mga pamilya. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, noong dumating sila sa Maynila ay isinakay sila sa isang sasakyan at kanilang napag-alaman na ito ay papuntang probinsya ng Abra. Sila ay inihatid diumano sa bayan ng Daguioman at don nila nalaman na mga armado at miyembro pala ng mga teroristang grupo ang kanilang nakakasalamuha. At kanilang nabanggit na sila ay dinala sa ibat-ibang bundok ng Bayan ng Tubo, Sallapadan, Boliney, Daguioman at Malibcong.

 

At ayon pa sa lider ng mga teroristang grupo, ay huwag na raw sila mag trabaho bagkus makiisa sila upang labanan ang gobyerno. Sa kanilang takot, wala na silang nagawa kundi sumunod sa mga atas ng grupo at diumano sinanay sila sa pakikipagdigma. Sila ay binigyan ng armas at binabaan ng mga araling pang aktibista at iba pang pag-aaral na nag udyok sa kanila dahilan upang magalit sa gobyerno. Sa kabila ng kanilang mga naranasan hindi sumagi sa kanilang isipan na labanan ang gobyerno dahil wala raw sila dahilan upang mag-alsa. Ang sampung buwan ng kanilang paglagi sa hukbo ay puno ng takot, pangamba at pagbabanta dahil binabantayan palagi ang kanilang mga kilos.

 

Sa hindi inaasahang pangyayari noong ika-lima ng hulyo, sila ay nagkaroon ng pagkakataon upang tumakas sa mga kamay ng teroristang grupo at ito ang dahilan ng kanilang pagsuko. Sila ay lumapit sa Punong Barangay ng Brgy Tumalip, Licuan-baay, Abra at humingi ng tulong at agaran namang ni report ng mga opisyal ng barangay sa himpilan ng Licuan-baay MPS at sa Charlie Company ng 24IB.

 

Ang mga sumuko ay nakilala na sina Ka Macoy (19 yrs old), Ka Jomar (18 yrs old), at Ka Marco (18 yrs old) na sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga ng 24IB. Samantalang sina Ka Deboni (17 yrs old), at Ka Gerald (15 yrs old) ay nasa kostudiya naman ng PSWDO, Abra. Ang mga sumuko ay mga katutubong galing pa sa bayan ng San Frenando at Meyarai, Bukidnon.

 

Ang kasundaluhan ng 24IB ay tumutulong sa mga mamamayan upang mailayo ang mga kabataan sa mga mapanlinlang na gawain ng ilang grupo at gamitin ang kabataan sa kanilang minimithing pabagsakin ang ekonomiya at kapayapaan sa lalawigan ng Abra. Tayo po ay magtulongan upang ipalaganap ang kapayapaan sa buong probinsya.

Please reload

Featured Posts

Nineteen CNT members on their 50th Anniversary surrendered

December 27, 2018

1/9
Please reload

Recent Posts
Please reload

Archive
Please reload

4.0 150 Recommend it
  • White Facebook Icon
  • White Twitter Icon
  • White Google+ Icon
  • White YouTube Icon
  • White Instagram Icon

© 2017 Civil Relations Service AFP. All Rights Reserved. Designed by CreaXin