Mga dating regular na miyembro at milisyang bayang ng NPA nakatanggap ng 1.2M tulong pinansyal mula sa Gobyerno

 

Apatnaput isang (41) benepisyaryo ang nakatanggap ng higit 1.2M tulong pinansyal at firearms remuneration mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) noong ika 23 ng Marso 2019 sa Bgy Naibuan, San Jose, Occidental Mindoro na dinaluhan ng local na pamahalaan sa pamumuno ni Hon Romulo Festin, Mayor San Jose kasama ang DILG, DSWD, NCIP, PNP kasama ang 4IB sa pangunguna ni LTC Alexander Arbolado at 76IB sa pangunguna ni LTC Mario Lito Retirva. 


Sa programang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) pormal naibigay sa tatlomput tatlong (33) milisyang bayan at apat (4) regular na hukbo na nagbalik loob sa 4IB at walong (8) regular na hukbo sa 76IB  ang kanilang panimulang livelihood assistance para sa kanilang pagbabalik loob sa pamahalaan. Isa itong programa ng ating pangulong Duterte na tulungan ang mga naging biktima, kinasangkapan at sapilitang napaniwala sa huwad na programa ng mga teroristang grupo sa ilalim ng pamumuno ni Jose Maria Sison.

Pinapaabot ng ating 203rd Brigade Commander na si Col Marceliano Teofilo na tuldukan na ang ang pagsusuporta at pagsama sa mapaglinlang at mapanggamit na teroristang grupong NPA at magbalik loob na sa pamahalaan upang matulungan na magbagong buhay.

 

Pinapaabot din ni Governor Mario Gene Mendiola  sa katauhan ni Mayor Romulo Festin na ang gobyerno ay laging bukas sa mga magbabalik loob at taos pusong tutulongan sa pamamagitan ng mga binipisyo sa ilalim ng programang ECLIP. Ang lahat na ito ay sumasailam sa inisyatibong pangkapayapaan na isinusulong ni congresswoman Josephine "Nene" Sato.


Sa pagtutulungan ng ibat-ibang ahensya ng pamahalaan, Philippine National Police at ng inyong Philippine Army pinatunayan nating lahat na totoo ang programa ng gobyernong ECLIP na pilit kinokondena at pinabulaan na hindi totoo ng teroristang grupong CPP/NPA/NDF. Ngayon masayang tinanggap ng mga taong naging biktima ng panlilinlang nang nasabing grupo ang kanilang suportang pangkabuhayan at sumumpa ng katapatan na hindi na magpalinlang at maniniwala sa huwad na programa at pinaglalaban ng terroristang CPP/NPA/NDF.

 

Ang  programang ECLIP ay makakatulong na mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga bumalik-loob sa gobyerno na kapiling ang mga kani-kanilang mga pamilya.

 

 

 

 

Please reload

Featured Posts

Nineteen CNT members on their 50th Anniversary surrendered

December 27, 2018

1/9
Please reload

Recent Posts
Please reload

Archive
Please reload

4.0 150 Recommend it
  • White Facebook Icon
  • White Twitter Icon
  • White Google+ Icon
  • White YouTube Icon
  • White Instagram Icon

© 2017 Civil Relations Service AFP. All Rights Reserved. Designed by CreaXin