Lokal na Pamahalaan kaakibat ang 4IB ay nagsagawa ng Municipal Youth Leadership Summit sa mga kabataan ng Bayan ng Bulalacao

May 18, 2019

Isang daan at labing dalawang (112) kabataan ang nakilahok sa isinagawang dalawang (2) araw na Municipal Youth Leadership Summit bilang bahagi ng kanilang selebrasyon ng Linggo ng Kabataan na ginanap sa Bulalacao Central Elementary School, Brgy Poblacion, Bulalacao Oriental Mindoro noong ika 14-15 ng Mayo 2019.

 

Ang Lokal na Pamahalaaan ng Bulalacao sa pangunguna ni Ms Dyna Krissle Cantos ng Municipal Social Welfare and Development kaakibat ang 4th Infantry (Scorpion) Battalion sa pamumuno ni LTC ALEXANDER M ARBOLADO, pinuno ng 4IB na kinatawan ni 1LT JILBERT DEFENSOR, Headquarters Commandant ay nangasiwa upang mailunsad ang nasabing aktibidad para sa mga kabataan ng Bulalacao.

 

Ang aktibidad na ito ay ginanap para sa ating mga kabataan kasama ang mga katutubong mangyan na ang layunin ay mapalakas at maiangat ang kanilang kaalaman bilang isang kabataan at linangin ang kanilang kakayahan upang maging isang lider para makakaagapay sa mga gawaing pang Kapayapaan at Kaunlaran para sa kanilang kumunidad.

 

Layunin din nito na maging tulay upang makaiwas ang mga kabataan sa maling tahak sa buhay. Sa pamamagitan ng gawaing ito, naibahagi sa mga kabataan ng Bulalacao ang kanilang papel na dapat gampanan sa lipunan bilang isang responsableng kabataan at mapagmalasakit sa kanilang kumonidad.

 

#AlakdanTroops
#MunicipalYouthLeadershipSummit
#KabataanPag-asaNgBayan

 

Please reload

Featured Posts

Nineteen CNT members on their 50th Anniversary surrendered

December 27, 2018

1/9
Please reload

Recent Posts
Please reload

Archive
Please reload

4.0 150 Recommend it
  • White Facebook Icon
  • White Twitter Icon
  • White Google+ Icon
  • White YouTube Icon
  • White Instagram Icon

© 2017 Civil Relations Service AFP. All Rights Reserved. Designed by CreaXin